Maglalaan ng nasa ₱15.1 bilyong pondo ang Government Service Insurance system (GSIS) para sa mga miyembro at pensioners na lubhang naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao.
Ayon kay GSIS President and General Manager Wick Veloso, ito’y bilang pagtugon sa kanilang mga miyembro na lubhang naapektuhan ng malakas na lindol upang makapagsimula muli sa kanilang buhay.
Nasa 608,000 members at pensioners ang pwedeng maka-avail ng emergency loan. Ang mga kwalipikado ay maaaring makatanggap ng ₱40,000 kung may existing emergency loan at ₱20,000 naman para sa mga walang existing emergency loan.
Ito ay may 6% annual interest rate na maaaring bayaran sa loob ng 36 na buwan o tatlong taon.
Hanggang September 7, 2026 ang application period ng nasabing loan program.