Natapos na classroom school building sa QC, malaking tulong upang mas mapaganda ang kalidad ng edukasyon
Lubos ang kagalakan ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara sa mahigpit na pagtutok ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagtatayo ng 4-storey classroom building sa San Francisco High School sa Quezon City.
Ani Angara, malaking tulong ang bagong classroom building na ito upang maputol na ang deka-dekada nang double-shifting ng mga klase sa nasabing paaralan.
Kaakibat nito ang positibong pananaw ni Sec. Angara na magiging maganda ang kalidad ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral sa tulong ng bagong gusali.