Nagpadala na ng Task Force at mga tauhan ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Dipaculao, Aurora para mag-imbestiga sa insidente ng pagkalunod ng dalawang student-athelete sa ginanap na team building noong June 8, 2026.
Sa isang pahayag, sinabi ng NBI na ginawa ang Task Force Baterbonia at Adili alinsunod sa utos ng Department of Justice (DOJ) na busisiin kung may nangyaring foul-play sa insidente.
Pinaliwanag naman ng NBI na hindi nila binabalewala ang pagdeklara ng Aurora Police Provincial Office na walang foul play sa nangyari. Ang pagkilos ng NBI ay bilang independent investigating body. Nais lang din nilang madetermina kung talaga bang aksidente ang nangyari o may kapabayaan at may dapat makasuhan ng reckless o simple imprudence resulting to death.
Tiniyak naman ng NBI na magiging patas ang imbestigasyon at ibibigay nila ang full coordination sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).