Sumailalim sa inspeksiyon ng mga tauhan mula sa Department of Agriculture (DA) – Caraga ang nasa 10 rice retailers sa Lungsod ng Tandag, Surigao del Sur.
Layunin nito upang tingnan kung nakasusunod ba sila sa Executive Order No. 118 Series of 2026, na nagpapataw ng ₱50 kada kilong price cap para sa 5% broken imported rice.
Ayon kay Jamaica Ballentos, Agriculturist II ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ng DA – Caraga, na nagsilbi ring Team Leader ng Inspection Team, naging maayos at mapayapa ang resulta ng kanilang market visit dahil nakiisa naman ang mga tindahang kanilang binisita.
Gayunpaman, nilinaw ni Ballentos na wala pa silang iniisyung Notice of Violations dahil gagawan pa muna nila ito ng report na isusumite sa kanilang Central Office.