Singil sa kuryente ng Meralco tataas na naman ngayong Hunyo
Asahan na ng mga consumer ng Meralco na tataas ang bill ng kuryente ngayong June 2026.
Ayon sa Meralco, ₱0.15 kada kilowatt per hour ang taas-singil ngayong buwan. Katumbas ito ng dagdag na ₱30 para sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt per hour. May dagdag na ₱45 naman para sa mga kumokonsumo ng 300 kilowatt per hour, at ₱60 para sa mga kumokonsumo ng 400 kilowatt per hour.
Paliwanag naman ng tagapagsalita ng Meralco na si Joe Zaldarriaga, ito ay dahil sa pagtaas ng Generation Charge dulot ng patuloy na pagnipis ng suplay ng kuryente at sunod-sunod na paglalagay sa yellow at red alert ng Luzon Grid nitong Mayo.