Mula sa 25 munisipalidad na nawalan ng kuryente, 24 na o 96% na ang nakabalik na ang kuryente ngayong araw sa Mindanao ayon sa Department of Energy (DOE).
Dahil naman dito inaasahan na 39,423 na lang na consumers ang patuloy na ginagawan ng paraan ng DOE na maibalik ang konsumo.
Naka-deploy pa rin naman ang Task Force Kapatid sa lugar kasama ang electric cooperatives para tumulong sa power restoration. Sa ilalim nito, 185 personnel ang kumikilos para ayusin ang daluyan ng mga kuryente. Mayroon ding 42 boom trucks at support vehicles, 4 generation sets at iba pa na mula naman sa mga cooperative.
Tinitiyak naman ng DOE na hindi lang basta mabilis ang pagbabalik ng kuryente sa mga munisipalidad kundi maayos at ligtas din sa mga consumer.