Mababawasan na ang rotational brown out at mas dadami na rin ang suplay ng kuryente sa Catanduanes dahil aktibo nang pinapagana ngayon ang 5-megawatts na Generation Set Facility sa National Power Corporation Marinawa Compound.
Ayon sa Department of Energy (DOE), mapupunan nito ang kakulangan sa suplay ng kuryente, kaya maiiwasan na ang mga brownout na nakakapekto sa mga kabahayan, negosyo, at iba pang serbisyo ng gobyerno.

Hindi naman ito pamalagiang solusyon kung hindi suporta muna sa suplay ng kuryente sa lugar habang isinasaayos pa ang Emergency Power Supply Agreement o EPSA 2, na magbibigay ng karagdagang 8-megawatts na kuryente sa Catanduanes.
Ang hakbang namang ito ng DOE ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing stable ang supkay ng kuryente lalo na sa mga probinsya para sa energy security ng bansa.#