Nakiisa ang Philippine National Police (PNP) sa paggunita ng ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Sa mensahe ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., binigyang-diin din niya na nananatiling nakatuon ang Pambansang Pulisya sa pagprotekta sa kalayaan ng bansa sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa mga komunidad.
Ayon kay Nartatez, ang tema ngayong taon na “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan” ay paalala na ang kalayaan ay hindi lamang pamanang sakripisyo ng ating mga bayani, kung hindi ito ay isang patuloy na responsibilidad na dapat pangalagaan at itaguyod para sa mga susunod na henerasyon.
Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, hinimok ni Nartatez ang mga Pilipino na isabuhay ang diwa ng kalayaan sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan.