Binasag na ni Ateneo de Manila University Basketball Team head coach Tab Baldwin ang kanyang katahimikan matapos maglabas ng pahayag hinggil sa pagpanaw ng mga student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili matapos ang kanilang training sa Dipaculao, Aurora.
Sa isang video na ipinost sa social media platform ng Ateneo de Manila University, humingi ng tawad si Baldwin sa mga pamilya ng dalawang student-athletes.
Binalikan din ng head coach ang mga pangyayari sa araw na naganap ang insidente.
Dagdag niya, hindi lamang sina Baterbonia at Adili ang kanyang nabigo, kundi ang buong basketball team ng Ateneo.
Kinilala rin ng Ateneo basketball coach na mas mabigat ang nararanasang pagdadalamhati ng mga pamilya ng dalawang nasawi kaysa sa kanyang nararamdaman o ng buong team.