Kabilang ang mga asset ni Vice President Sara Duterte sa ebidensyang ihaharap ng House prosecution panel sa nakatakdang paglilitis ng Senate impeachment court.
Ito ay ang mga ari-arian na hindi isinama ng Pangalawang Pangulo sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) upang mapatunayan ang alegasyon ng unexplained wealth.
Ayon kay House prosecutor at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon, bukod sa mga bagong dokumento at mga testigo, may mga karagdagang ebidensya pa na isusumite sa Lunes, June 15, para sa pre-trial conference na nakatakda sa June 18.
Aniya, hindi pa rin ito natatalakay sa clarificatory hearing ng House Justice Committee.
Kabilang ito sa isusumite ng prosecution panel sa pre-trial brief sa Lunes, Hunyo 15. Dagdag pa ng mambabatas, ang hindi pagdedeklara ng tumpak at wasto sa SALN ng isang government official at employees ay paglabag sa batas, at naging batayan din ito ng conviction ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.