Puspusan na ang isinasagawang paghahanda ng House Prosecution Team para sa nalalapit na pag-arangkada ng pre-trial conference kaugnay ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Iginiit ni Bicol Saro Party-list Rep. at House Prosecutor Terry Ridon na kabilang sa kanilang mga paghahanda ang authentication ng mga ihahaing ebidensiya at dokumento sa pre-trial conference at maging sa mismong paglilitis ng Senate Impeachment Court. Kabilang dito ang mga bagong ebidensiya na hindi nailabas at natalakay sa House Committee on Justice, na umano’y lalo pang magpapatibay sa Articles of Impeachment laban sa Pangalawang Pangulo