Aminado si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na bahagyang bumagal ang pag-aabot at distribusyon ng mga family food packs at iba pang pangunahing pangangailangan sa mga apektadong lugar sa Mindanao dahil sa lindol.
Ani Gatchalian, bagamat nakahanda ang pambansang pamahalaan sa pagbibigay ng interbensiyon, labis ding naapektuhan ang mga kawani ng lokal na pamahalaan na biktima rin ng pagyanig.
Mahalaga, ayon sa kalihim, ang papel ng lokal na pamahalaan sa panahon ng kalamidad dahil sila ang nagsisilbing distributing agents para sa mga ibinababang ayuda at tulong. Sa ngayon, pinagtutuunan na ng pansin ng DSWD ang mga lugar na hirap pa ring marating ng logistics teams ng DSWD at mga lokal na pamahalaan dahil sa pinsalang dulot ng lindol.