Itinuturing ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang “unfriendly act” ang hakbang ng China na nagbabawal kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at sa kanyang pamilya na makatungtong sa China, gayundin sa Macau at Hong Kong, dahil sa mga naging pahayag nito tungkol sa China at sa West Philippine Sea.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro, hindi ito makatutulong upang mapalakas ang tiwala at mapanatili ang maayos na ugnayan ng Pilipinas at China.
Tiniyak din ni Lazaro na hindi pinag-iisipan ng Maynila na gantihan ng kaparehong hakbang ang ipinatupad na ban ng China laban kay Defense Secretary Teodoro.