Naglaan ang United Nations World Food Programme (WFP) ng mga truck sa Visayas Disaster Resource Center (VDRC) na magagamit sa paghahatid ng 5,100 family food packs (FFPs) patungong General Santos City.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng pinalakas na humanitarian response ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga organisasyon na layong pabilisin ang paghahatid ng tulong at suporta sa mga kababayan sa Mindanao na naapektuhan ng kalamidad.
Tiniyak naman ng DSWD na patuloy rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba pang foreign organizations upang maayos na maihatid sa mga biktima ng lindol sa Mindanao ang mga kinakailangang tulong.