Posible ang hanggang tatlong taong pagkakakulong kay Ateneo Coach Tab Baldwin.
Ito ang binigyang-diin ni Labor Secretary Francis Tolentino kung walang maipapakitang Alien Employment Permit o kung may makikitang paglabag si Baldwin hinggil dito.
Paliwanag ni Tolentino, tatlong buwan hanggang tatlong taon ang maaring bunuin ng foreign coach sa likod ng rehas bago ito ipa-deport sa kanyang home country.
Ayon kay Tolentino, mahalaga ang Alien Employment Permit ni Baldwin dahil dito makikita kung dapat ba itong magtrabaho sa bansa at kung hanggang saan ang maaring maisagawa ang trabaho nito.