Sa obserbasyon ng Typhoon and Flood Awareness Week, inilunsad ng DOST-PAGASA ang isang bagong digital platfrom na PAGASA National Hydro-Meteorological Observing Network o PANaHON Mobile App.
Layon ng bagong mobile app na mapadali at mapalawak ang access ng publiko sa mahahalagang impormasyon tungkol sa panahon, kabilang ang near real-time weather data mula sa observing network ng PAGASA.
Tampok din dito ang interactive map, mga active warnings, hourly forecasts at limang araw na weather outlook.
May notification alerts din kung saan sa pamamagitan ng location feature ng app, makatatanggap ang mga user ng mga alert kaugnay ng tropical cyclone bulletins, thunderstorm at heavy rainfall warnings, at flood advisories.
Ayon sa PAGASA, naturang innovation ay mula sa unang nalunsad na panahon.gov.ph para mapalakas ang kahandaan ng publiko sa mga banta ng kalamidad.
Maaaring ma-download nang libre ang panahon app sa android at IOS app store.