Asahan na ang panibagong dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Batay sa pinakahuling price estimate kahapon ng Department of Energy (DOE) posibleng bumaba ng nasa ₱4 to ₱5 sa kada litro ng diesel.
At maaring walang paggalaw naman o tumaas ng ₱0.50 centavos sa kada litro ng gasolina.
Habang nasa ₱2 hangang ₱3 sa kada litro ng kerosene.
Inaasahan naman na i-aanunsyo naman ng Department of Energy ang pinal na presyo ngayong araw at inaasahan susundin ng mga kumpanya ng langis ang nasabing presyo sa darating na Martes ng umaga.