Muling nagtungo sa Mindanao si National Electrification Administration (NEA) Administrator Antonio Mariano Almeda para tutukan ang sitwasyon ng suplay ng kuryente sa mga lugar na tinamaan ng malakas na lindol.
Kabilang sa binisita nito ang Davao del Sur Electric Cooperative, Inc. o DASURECO at South Cotabato II Electric Cooperative, Inc. o SOCOTECO II na nagpapatuloy ang rehabilitation at power restoration.
Nakipagpulong din ang NEA Chief kay Glan Mayor Victor James Yap Sr. at District Engineer Rey Francisco ng DPWH Sarangani District Engineering Office para talakayin ang posibleng paglilipat ng 69-kilovolt line na naapektuhan ng pagguho ng lupa.
Bilang karagdagang tulong sa mga apektadong komunidad, naglaan ang NEA, One EC Network Foundation, at AMRECO ng financial assistance para sa DASURECO at SOCOTECO II na gagamitin sa pagbili ng relief items gaya ng tents, bigas, bottled water, canned goods, at solar flashlights.
📸 NEA


