Patuloy na pinaiigting ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang paghahatid nito ng tulong sa mga nabiktima ng malakas na lindol sa Mindanao.
Batay sa pinakahuling tala ng DSWD, umabot na sa halos ₱125-million ang halaga ng nailaan nitong tulong sa mga apektadong lalawigan.
Kabilang dito ang nasa higit 125,000 na ring family food packs sa mga displaced families.
Kaugnay nito, malaki pa rin naman ang bilang ng evacuees na hindi pa rin makauwi ng kanilang tahanan dahil sa pinsala ng lindol.
Ayon sa DSWD, mayroon pang 3,000 pamilya o 14,000 indibidwal ang nananatili pa rin sa 37 evacuation centers.
Muli ring nag-ikot kahapon si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga lalawigang labis na napinsala para alamin ang maaaring pang ilaang tulong ng pamahalaan.
