Nakatanggap ng 25 laptops ang mga bayan ng Badiangan, Cabatuan, at Janiuay sa Iloilo mula sa Project Activate ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Sa nasabing numero, siyam na laptop ang natanggap ng Badiangan, at tig-walo naman sa Janiuay at Cabatuan.
Ang turnover ceremony ay pinangunahan ni Undersecretary Leandro Angelo Aguirre noong June 15, sa Iloilo Provincial Capitol.
Ayon sa DICT, gagamitin ang mga laptop ng mga micro, small, and medium enterprises.
Sa ilalim ng programa, palalakasin ang digital skills ng mga komunidad sa pamamagitan ng ICT equipment at mga pagsasanay. | Hope Torrechante, RP Iloilo