Nakatanggap ng ₱3 milyong tulong pinansyal ang lungsod ng Isabela de Basilan mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang agarang tugon at suporta para sa rehabilitasyon kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Maasim, Sarangani at sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang isinagawang situation briefing, pag-turnover ng Public Transport Vehicles (PTVs), at distribusyon ng Socio-Civic Projects Fund (SCPF) Assistance na ginanap sa General Santos City kahapon.
Pormal na tinanggap ng mga kinatawan ng Isabela de Basilan sa pamamagitan nina City Treasurer Arien Claire Flores at City Social Welfare and Development Office (CSWDO) Supervising Administrative Officer Robert Arseña ang tseke mula sa nasabing aktibidad.
Ang natanggap na tulong pinansyal ay magsisilbing karagdagang suporta para sa mga programa sa rehabilitasyon at bilang tugon para sa mga apektadong komunidad sa lungsod.
Patuloy na pinagtitibay ng lokal na pamahalaan ng Isabela de Basilan ang pakikipagtulungan sa pambansang pamahalaan upang masiguro ang episyente at agarang pagtugon sa panahon ng sakuna.
📷 Isabela City LGU


