Photo courtesy of First Lady Liza Marcos
Nagpulong sina First Lady Liza Marcos at Akio Nitori, may-ari ng NITORI — ang pinakamalaking home furnishing company sa Japan.
Sa Facebook post ng Unang Ginang, sinabi nitong nagpahayag ng kahandaang mag-invest ang nasabing Japanese furniture company sa bansa sa pamamagitan ng pagbubukas ng hindi bababa sa may 100 stores sa bansa.
Excited siya sabi ng Unang Ginang na makita ang ganitong partnership lalo at tiyak na lilikha ito ng employment opportunities para sa ating mga kababayan.
Kaugnay nito’y nagpaabot ng pasasalamat si First Lady Liza sa NITORI sa pag-invest sa bansa na makakatulong aniya sa maraming mga Pilipino.
Mayroon ding NITORI sa China, Taiwan, Southeast Asia, Korea, India habang nagbukas ang unang NITORI store sa bansa noong 2024 sa MITSUKOSHI BGC.