Nakarating na sa Alabel, Sarangani Province ang Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR) Team ng Valenzuela City para tumulong sa mga apektado ng lindol sa Mindanao.
Bitbit ng grupo ang mahahalagang response assets gaya ng water filtration system, mobile shower unit, ambulansya, generator sets, rescue vehicle, at satellite communication equipment bilang suporta sa patuloy na disaster response operations sa lugar.
Pagdating ng team, nagsagawa ito ng courtesy call sa Municipal Administrator bago nagtungo sa Incident Command Post (ICP) at Emergency Operations Center (EOC).
Dito opisyal na ipinagkatiwala at ipinarehistro ang mga idineploy na kagamitan, habang nakipag-ugnayan din ang grupo sa mga lokal na opisyal para sa pinakahuling sitwasyon at operational briefing.
Tiniyak naman ng Valenzuela HADR Team na magpapatuloy ang kanilang suporta sa Sarangani sa pamamagitan ng mabilis at organisadong paghahatid ng tulong sa mga nangangailangan.
📸 Valenzuela DRRMO

