Muling magbubukas ang Kadiwa ng Pangulo ng Department of Agriculture sa Malabon ngayong araw, June 16.
Sa abiso ng lokal na pamahalaan ng Malabon, magbubukas ang Kadiwa ng Pangulo sa Brgy. Flores Covered Court kung saan maaaring makabili ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng bigas sa halagang ₱20 kada kilo.
Kabilang rito ang mga nasa vulnerable sectors gaya ng mga persons with disability (PWD), solo parent, 4Ps beneficiaries, senior citizens, at miyembro ng transport sector.
Bukod naman sa bigas, makakabili rin dito ng iba’t ibang abot-kayang produkto tulad ng sariwang gulay, prutas, karne, itlog, at iba pang lokal na produkto.
Layon pa rin nitong suportahan ang lokal na magsasaka at matulungan ang mamimili na makabili ng abot kayang pagkain.
