Nagsumite na ng kani-kanilang pre-trial brief ang House Prosecution Panel at ang kampo ni Vice President Sara Duterte para sa nalalapit na impeachment trial ng Bise Presidente.
Mag-aalas-5 kahapon dumating sa Senado at isinumite ng House Prosecution Panel, sa katauhan ni House Secretary General Atty. Cheloy Garafil, ang higit 57-pages Pre-trial Brief nila.
Samatalang mag-aalas-6 naman dumating ang mga abogado ni VP Sara, sa pangunguna ni Atty. Michael Poa.
Nakapaloob sa Pre-trial Brief ang:
• Stipulation of facts
• Mga isyung dapat talakayin
• Mga ebidensya
• at Listahan ng mga testigong iprepresenta ng magkabilang panig
Ayon kay Senate Secretary at Impeachment Clerk of Court Atty. Renato Bantug Jr., matapos ang submission kahapon ay nakatakda silang magkaroon ng pre-trial conference sa Huwebes, June 18.
Dito maghaharap ang dalawang panig at magkakaroon ng “marking of evidences.”
Inaasahan naman ni Bantug na magiging maayos ang daloy ng gagawing pre-trial conference.
Tiniyak rin ni Bantug na on-schedule pa rin ang impeachment court at sa July 6 pa rin ang inaasahang simula ng impeachment trial.