Umabot na sa 159,361 family food packs (FFPs), 7,428 ready-to-eat food boxes, at 6,990 non-food items ang naipaabot ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga lugar na labis na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Pinakamalaki ang naihatid na food packs na aabot sa 131,000 sa SOCCSKSARGEN na naging sentro ng pinsala ng lindol.
Ayon sa DSWD, bahagi ito ng augmentation support mula sa mga lokal na pamahalaan para sa mga pamilyang naapektuhan sa tatlong rehiyon sa Mindanao.

Nanatili naman sa ilalim ng Red Alert status ang Disaster Response Command Center (DRCC) ng DSWD bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa epekto ng lindol sa Sarangani.
Sa ilalim nito, patuloy na pinaiigting ng DRCC ang pakikipag-ugnayan sa mga Local Government Units (LGUs), DSWD Field Offices, at iba pang katuwang na ahensya para matiyak ang maagap, sapat, at angkop na pagtugon, kabilang ang paghahatid ng Food and Non-Food Items (NFIs).
📸 DSWD

