Nagsagawa ng dalawang araw na inter-agency dialogue ang Department of Labor and Employment (DOLE) mula Hunyo 15 hanggang 16.
Layunin ng pagtitipon, sa pakikipagtulungan ng DOLE-NCR, na talakayin ang mga bagong patakaran at proseso kaugnay ng pagtatrabaho ng mga dayuhan sa Pilipinas, kabilang ang pagproseso at pag-isyu ng Alien Employment Permits (AEP) sa DOLE Central Office.
Dumalo ang 85 kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, law offices, consultancy firms, at employers’ groups. Kabilang din sa mga dumalo si DOLE-NCR Regional Director Atty. Sarah Buena S. Mirasol at iba pang opisyal ng DOLE-NCR.
Inaasahang mapapalakas ng dayalogo ang kaalaman ng mga kalahok hinggil sa AEP policies, compliance requirements, at koordinasyon sa DOLE para sa maayos na pagpapatupad ng mga regulasyon sa pag-empleyo ng mga dayuhan sa bansa.