Humarap ngayong araw sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame ang dating basketball player ng Ateneo Blue Eagles.
Ito ay kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon sa pagkamatay ng student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Nauna rito ay ipina-subpeona ng CIDG ang mga coach, basketball players, at resort owner kung saan isinagawa ang umano’y team building ng Ateneo sa Aurora.
Sinabi naman ni CIDG Director PMGEN Robert Morico II kahapon sa pulong balitaan sa Camp Crame na tatlong mga dating basketball players ang haharap ngayon sa kanilang tanggapan bilang mga resource person sa imbestigasyon.
Matatandaang kumalat sa social media ang mg nakaraang interview ng ilang dating basketball player ng Ateneo na sinasabing “deadly” at “hell week” ang training sa Aurora. Sa ngayon, nagpapatuloy ang fact-finding investigation at nakaantabay ang media dito sa labas ng tanggapan ng CIDG.