Muling pinaalalahanan ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum Jr. ang publiko na mahalaga ang kahandaan matapos ang malakas na lindol sa Mindanao.
Sinabi ng kalihim ang magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani ay nagpaalala ng panganib ng mas malakas na lindol sa bansa.
Paliwanag niya, posible ring maranasan ng Metro Manila ang “The Big One” na tinatayang magnitude 7.2 mula sa West Valley Fault o iba pang aktibong fault.
Dagdag ni Solidum, dahil ang lindol sa Mindanao ay nagmula sa dagat, mas limitado ang pinsala kumpara kung ito ay mangyari sa mga mataong lungsod.
Patuloy namang mino-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang libo-libong aftershocks matapos ang lindol sa Sarangani.
Paalala ng mga eksperto, pinakamahalaga ang paghahanda tulad ng matibay na gusali at pagsunod sa “drop, cover, and hold” sa oras ng lindol.