Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Germany sa patuloy at hayagan nitong pagsuporta sa mga hakbang ng Pilipinas upang itaguyod ang rule of law sa West Philippine Sea (WPS).
Sa joint press conference kasama si President Frank Walter Steinmeier, partikular na binanggit ng pangulo ang panawagan ng Germany na sundin ang 2016 Arbitral Award na pumabor sa Pilipinas, kaugnay ng sigalot sa West Philippine Sea (WPS).
“I thanked Germany specifically for consistently and publicly expressing its support for Philippine efforts to uphold the rule of law in the South China Sea, including by calling on all parties to abide by the final and binding 2016 Arbitral Award.” — Pangulong Marcos.
Nagpasalamat din si Pangulong Marcos sa Germany sa suporta nito sa pagpapalakas at modernisasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa linya ng maritime at aviation operations.
Kabilang sa tulong ng Germany ang pagkakaloob ng dalawang Airbus H145 twin-engine helicopters noong 2019 at mga unmanned aerial vehicles (UAVs) noong 2024.
Binanggit din ni Pangulong Marcos, na sa usaping militar, tatlong taon na ring sumasali ang Germany bilang observer sa taunang Balikatan Exercises ng Washington at Maynila.
Sa pagpupulong ng dalawang lider ngayon araw, tinalakay ang mga kooperasyong pang-ekonomiya, depensa, at kapayapaan.
“Germany has also been supporting the swift conclusion of the Free Trade Agreement (FTA) between the Philippines and the European Union, with the sixth round of negotiations held on 18 to 22 May 2026 in Manila.” — Pangulong Marcos.