Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbababa ng 13 Patient Transport Vehicles (PTVs) sa pitong probinsya sa Mindanao na apektado ng pagtama ng 7.8 magnitue na lindol noon June 8.
Isang PTV unit, ipinagkaloob rin sa Cotabato Province.
Bago nito, una nang nagbaba ng dalawang PTV units ang pamahalaan sa Sarangani Provincial Hospital.
Kung matatandaan, ang patient transport vehicles ay bahagi ng relief assistance na idineploy ng PCSO, equipped na ito ng medical kits, mga gamot, medical supplies, at iba pang kagamitang pang-kalusugan.
Ang mga PTV na ito, makatutulong sa mga LGU na palakasin ang kanilang emergency response, at siguruhin ang napapanahong access ng mga Pilipino sa medical serices. Kaugnay nito, ang Department of Health (DOH), nagmahagi ng 350 hygiene kits, 4,000 multivitamin capsules, higit 2,000 medicine tablets; nasa 84 tubes ng antifungal cream, 244 bote ng multivitamins at cough syrup, at nasa 80 sachets ng oral rehydration salts sa Sarangani at General Santos City.