Welcome kay Pangulong Fedinand Marcos Jr. ang posibilidad na magkaroon ng Visiting Forces Agreement sa pagitan ng militar ng Pilipinas at Germany.
Sa joint press conference kasama si President Frank Walter Steinmeier, sinabi ni Pangulong Marcos na bagamat marami pang dapat gawin bago maipatupad ito, sa kasalukuyan, patuloy na tumataas ang engagement ng dalawang bansa sa linya ng seguridad at depensa.
Nakikita rin ng pangulo na makikinabang ang bansa sa kasunduang ito.
“When the time comes, certainly that would be something that the Philippines will be very, very open to. I cannot see any disadvantage to that.” — Pangulong Marcos.
Sabi ng pangulo, sa gitna ng mga pagbabago sa geopolitical world, ang pagtitiyak ng katatagan ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng mga balikatan at malawak na mga pakikipag-alyansa.
“Because not any one country can now influence or change or direct the way the world is working. And so we have to achieve two almost contrary aspirations: one, is to be stable and strong; and two, to be agile at the same time.” —Pangulong Marcos.
Dahil dito, sinabi ng pangulo na sakali man na maramdaman na ng Germany at Pilipinas na dumating na ang panahon para magkaroon ng VFA, malugod itong tatanggapin ng bansa.
“So yes, if the VFA, if we came to an agreement and we feel that it is time to have it, the Philippines would certainly entertain that possibility very warmly.” — Pangulong Marcos.