Pasok sa Top Brands ng Pilipinas ang Radyo Pilipinas, Radyo Publiko sa Weekly Reach Offline and Online for News na inilathala ng Reuters Institute at University of Oxford na pinamagatang ‘Reuters Institute Digital News Report 2026’.
Nagtatamasa rin ng mataas na trust rating na 51% ang Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Samantala, nanatiling pangunahing pinagkukunan ng balita sa Pilipinas ang social media.
Matatandaang nagwagi rin sa Government Streaming – Philippines ang Radyo Pilipinas, Radyo Publiko sa Asia-Pacific Broadcasting Awards noong 2025.
Nagpapasalamat ang pamunuan ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko sa patuloy na tiwala, panunuod, at pakikinig ng publiko.