PNA Photo
Bukas ang legal adoption para sa mga kwalipikadong miyembro ng LGBTQIA++ community, ayon sa National Authority for Child Care (NACC).
Sa isang online press conference na naganap noong June 9, binigyang-diin ng ahensya na ang pinakamahalagang konsiderasyon sa adoption ay ang kakayahan ng aplikante na magbigay ng ligtas, mapagmahal, at matatag na tahanan para sa isang bata—anuman ang kanyang sexual orientation, gender identity, o expression.
Ayon sa NACC, maaaring mag-apply ang mga miyembro ng LGBTQIA++ sa ilalim ng solo parent adoption program at daraan sa parehong proseso ng pagsusuri gaya ng ibang aplikante.