Inihalal ng Kamara de Representantes ang mga bagong kinatawan sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) sa ginanap na special session, ngayong araw.
Ang mga bagong miyembro ay pinili kasunod ng nominasyon ni House Majority Leader Sandro Marcos.
Kabilang sa mga nahalal na kinatawan sa CA at kanilang papalitang miyembro ay ang mga sumusunod:
- House Deputy Speaker Paolo Ortega V – kapalit ni Camiguin Rep. Jesus Romualdo
- TGP Party-list Rep. Jose Teves Jr. – kapalit ni ABONO Party-list Rep. Robert Raymond Estrella
- Quezon City Rep. Franz Pumaren – kapalit ni Agusan del Sur Rep. Eddie Bong Plaza
- Quezon Rep. Mark Enverga – kapalit ni Cavite Rep. Roy Loyola
- Negros Occidental Rep. Mercedes Alvarez – kapalit ni Camarines Sur Rep. Arnie Fuentebella
Ang Commission on Appointments ay may tungkuling mag-apruba sa mga itinalagang opisyal ng Pangulo bago sila ganap na makapanungkulan sa gobyerno.