Papalo sa ₱15.1 billion ang inilaang pondo ng Government Service Insurance System (GSIS) para sa mga miyembro at pensiyonadong naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao.
Sa panayam ng programang BOSES kay GSIS Vice President for Mindanao Rachel Edjan, malaking tulong ang nasabing pondo upang maibsan ang pinansiyal na pangangailangan ng GSIS member at pensioners.
Base sa tala ng GSIS, papalo sa mahigit 600,000 members at pensioners ang apektado sa Mindanao.
Dagdag pa ni Edjan, na accessible at magaan ang nakahaing loan window ng GSIS para sa lahat ng kanilang aktibong miyembro at pensioners na posibleng makahiram ng aabot sa ₱20,000.
Bukas ang nasabing calamity loan application ng GSIS hanggang September 7, 2026.