Hinamon ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director PMGEN Robert Morico II si Coach Tab Baldwin na humarap sa imbestigasyon.
Ito ay kaugnay ng pagkamatay ng dalawang student-athletes ng Ateneo Men’s Basketball Team na sina Rene Baterbonia at Divine Adili sa isinagawang team building sa Aurora.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, nang tanungin ng media si Morico kung ano ang hamon niya kay Baldwin, sinabi niya na humarap ito sa imbestigasyon para makatulong sa paghahanap ng katotohanan at pagkamit ng hustisya.
Narito ang bahagi ng pahayag ni PMGEN ROBERT MORICO II.
Samantala, iginiit din ni Morico na hindi aksidente ang nangyaring pagkamatay nina Baterbonia at Adili sa Aurora.
Ito ay matapos na itanggi ng kampo ng isa sa mga coach ng Ateneo Men’s Basketball Team na hazing o homicide ang pagkasawi nina Baterbonia at Adili.