Malabong ihinto muna ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagtataas ng interest rate sa darating na Disyembre, sa kabila ng pagbagal ng paglago ng ekonomiya noong ikatlong kwarter ng taon.
Ayon kay BSP Governor Eli Remolona Jr., matatagalan pa bago tuluyang maramdaman ng ekonomiya ang epekto ng mga naunang pagtataas sa interes.
Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Remolona na sa halip na umasa sa monetary policy, ang kailangan ngayon aniya ng bansa ay ang mas mabilis at maayos na paggastos ng pamahalaan o fiscal stimulus.
Tinukoy ng opisyal na nakaapekto sa ekonomiya ang matamlay na public construction at pagbaba ng infrastructure spending bunsod ng naging kontrobersiya ng flood control projects.
Gayunpaman, sinisikap na umano ng pamahalaan na muling pasiglahin ang public construction.
Iginiit ni Remolona, na patuloy na maghihigpit ang Monetary Board hangga’t kinakailangan, at ibabalik lamang ang pagpapaluwag sa interes kapag bumaba na ang inflation malapit sa 3% target, matapos itong sumirit sa pito 7.8% noong Oktubre.