Binuksan na sa mga motorista ngayong araw Hunyo 19,ang bahagi nang karsada sa Barangay East Timawa, Molo lungsod ng Iloilo matapos isinailalim sa repair.
Personal na inspeksyon ni DPWH Sec. Vince Dizon ang proyekto kasama si Iloilo City Mayor Raisa Treñas .
Ikinatuwa nang kalihim ang mabilis na pag ayos sa kalsada na matagal na hindi nagalaw at naging problema sa pagsikip nang daloy nang trapiko sa Molo area .
Sa ngayon, makikita na halos kumpleto na ang konstruksyon at pwede nang magamit nang mga motorista kaya agad itong binuksan.
Pinasalamatan ni Mayor Raisa Treñas so Secretary Dizon at ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mabilis na aksyon sa reklamo nang mga residente sa lugar.
Sinabi naman ni Secretary Dizon na ito’y modelo nang pagtutulungan nang LGU at nang National Government kaya napadali ang konstruksyon at naiiwasan ang delay sa implimentasyon nang proyekto.
Hinhikayat nito ang mga Ilonggo na ipaabot sa kanila ang anumang problema sa mga ginagawang proyekto lalo at mismo si Pangulong Marcos ang nag uudyok sa DPWH na agad aksyunan ang mga mababagal na proyekto dahil karapatan nang mamamayan na ito ay agad mapakinabangan.