Photo courtesy of Coast Guard District Southern Visayas
Nagsagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng narco test sa mga kasamahan sa Southern Visayas.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab bahagi ito ng direktiba ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan upang matiyak na nananatiling disiplinado ang hanay ng Coast Guard.
Batay sa paunang resulta, siyam (9) ang nagpositibo sa narco screening mula sa kabuuang 281 personnel sa Barangay Calindagan, Dumaguete City.
Agad silang isinailalim sa restriction habang hinihintay ang resulta ng confirmatory laboratory examination.
Ayon kay Cayabyab, ang mga mapatutunayang positibo sa confirmatory test ay haharap sa kaukulang aksyong administratibo, kabilang ang posibleng pagkatanggal sa serbisyo.