Binawi na ng Bureau of Customs (BOC) ang OCOM Memorandum Nos. 24-2026 at 25-2026 na nagpatupad ng flexible work setup.
Ibig sabihin mula apat na araw ay limang araw na muli papasok kada linggo ang kanilang mga manggagawa.
Gayunpaman, nilinaw ng BOC na hindi maaapektuhan ang mga opisina at unit na nagpapatakbo ng 24-oras na serbisyo o naka-shifting schedule.
Patuloy nilang susundin ang kasalukuyang operational arrangements alinsunod sa umiiral na mga patakaran at regulasyon.
Matatandaang nagkaroon ng work-from-home arrangements ang ilang tanggapan ng pamahalaan, bilang pakikiisa sa pagtitipid ng enerhiya bunsod ng limitadong suplay ng langis.