IBC Screengrab
Naging matagumpay ang isinagawang ika-15 na Maritime Cooperative Activity (MCA) ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay BRP Diego SIlang Commanding Officer Capt. John Percie Alcos, maayos na naisagawa ang mga aktibidad sa apat na araw na pagsasanay na layong higit pang palakasin ang maritime defense sa West Philippine Sea.
Ani Alcos, naging produktibo ang nasabing pagsasanay dahil kapwa nahasa ang intricate maneuver skills ng mga miyembro ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard at napalakas pang lalo ang kanilang koordinasyon.
Testamento rin ang matagumpay na MCA sa commitment ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard upang ipagtanggol ang soberanya ng bansa at karapatan ng bawat mamamayang Pilipino.