IBC Screengrab
Kinumpirma ni Lieutenant Commander Florentino Rimando Jr. ng Philippine Coast Guard na mayroong namataang Chinese vessels sa unang araw ng Maritime Cooperative Activity o MCA sa West Philippine Sea.
Ayon kay Rimando, nag-isyu ng radio challenge ang BRP Melchora Aquino sa P-L-A Navy Ship 555 at Chinese Coast Guard vessel 5304 bilang bahagi ng kanilang mandato.
Una nang ibinahagi ni BRP Diego Silang Commanding Officer Capt. John Percie Alcos na may namataan sila na mga iligal na presensya ng Chinese vessel habang nagpapatuloy ang MCA.