Napigilan ng mga awtoridad ang 53 planong pamamaril sa ilang paaralan sa South Cotabato.
Sa ambush interview sa sidelines ng 1st Metro Manila School Safety and Security Summit sa Quezon City, sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na 53 indibidwal din ang nahuli dahil sa pagkakasangkot sa mga online threat at grooming, kasunod ng insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Banga, South Cotabato.
Sa ngayon ay sumasailalim na umano sa psychiatric counseling ang ilan sa kanila.
Hindi na idinetalye ng kalihim ang kanilang mga kaso dahil kabilang dito ang mga Child in Conflict With the Law na nasa kustodiya na ng mga awtoridad.
Giit ni Remulla, seryoso ang banta sa mga paaralan, kaya dapat gawing prayoridad ang kaligtasan ng mga kabataan.
“…Dapat mga kabataan. Let’s put everything behind. The ombudsman will resolve the floodgate, malapit na matapos yan. Sandiganbayan will prosecute them, lahat yan matatapos na but this takes precedence because the impact of today will reverberate for the next 20 years so this is the most important thing,” ani Remulla.