Nagsagawa ang Department of Agriculture–Batanes Experiment Station (DA-BES) ng Bayanihan Garlic Planting Activity nitong Martes, Oktubre 6, 2026.
Aktibong nakiisa at nagbayanihan ang lahat ng programa at tauhan ng DA-BES upang maisakatuparan ang aktibidad. Layunin nitong pag-isahin ang puwersa ng ahensya para mapalakas ang produksyon ng bawang, na itinuturing na isa sa mga pangunahing produktong agrikultural sa lalawigan ng Batanes.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng Garlic Expansion Program and Seed System ng istasyon. Sa pamamagitan ng programang ito, target ng DA-BES na makapag-ani at makapag-imbak ng sapat na dekalidad na mga pananim o planting materials para sa mga lokal na magsasaka.
Ayon sa pamunuan ng DA-BES, ang inisyatibang ito ay isang malaking hakbang upang matiyak na may handang suplay ng dekalidad na binhi ng bawang sa tuwing sasapit ang panahon ng taniman.
Inaasahan din na ang proyektong ito ay magbibigay ng malaking suporta sa mga magsasaka at mag-aambag sa patuloy na paglago at pag-unlad ng industriya ng bawang sa buong probinsya. | Ulat ni Bea Gaza-De Guzman/RP Batanes
📷 DA-BES