Pinalalakas ng Albay Provincial Health Office ang dengue prevention at control efforts sa mga paaralan at komunidad sa pamamagitan ng environmental surveillance, health education, source reduction, at misting activities.
Noong September 29, nagsagawa ng misting ang APHO Environmental Sanitation Division sa Gubat Elementary School, San Pedro Elementary School, at Bicol Training and Technological College sa Bacacay, Albay, upang mabawasan ang populasyon ng lamok na nagdadala ng dengue at iba pang vector-borne diseases.
Sinundan ito ng environmental surveillance, dengue information and education, at misting sa Banao Elementary School noong Setyembre 30.
Nitong October 1, isinagawa ang environmental surveillance at misting sa Malabog National High School sa Daraga, kabilang ang pagtukoy at pagtanggal ng posibleng pamugaran ng lamok.
Patuloy din aniyang itinataguyod ng provincial health office ang 4S Strategy o ang Search and Destroy, Self-Protection, Seek Early Consultation, at Support Fogging o Misting, kasabay ng wastong pamamahala ng basura, pag-aalis ng stagnant water, at regular na paglilinis ng paligid.
📷Albay Provincial Health Office