Iginiit ng isang security expert ang pangangailangan ng mas mahusay na border control, kasunod ng pagkakaaresto sa 244 na foreign nationals sa dalawang anti-POGO operations sa Zamboanga Sibugay.
Ayon kay Securiport Chief Technology Officer Nate Carpenter, mahalagang makuha agad ang tamang impormasyon tungkol sa mga biyahero para mas mabilis matukoy ang mga posibleng banta.
Sa ilalim ng iminumungkahing Civil Aviation and Immigration Security Services o CAISS, mas maagang makokolekta ang passport details at biometrics ng mga biyahero bago pa man sila bumiyahe.
Gagamit din ito ng facial, fingerprint at iris biometrics, e-gates at artificial intelligence para palakasin ang border security.
Pero giit ni Carpenter, immigration officer pa rin ang magpapasya sa huli.
Sa mga raid sa Siay at Alicia sa nasabing lalawigan , 113 at 131 foreign nationals ang naaresto.
Iniimbestigahan sila sa umano’y immigration violations, illegal POGO activities at posibleng human trafficking. | ulat ni Rey Ferrer