Itinaas ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Alert level Alpha sa ilang lalawigan sa Northern Luzon na posibleng maapektuhan ng Bagyong Francisco.
Batay sa pinakahuling ulat ng DILG – Central Office Disaster Information Coordinating Center (CODIX), posibleng makaranas ng lakas ng hanging hanggang 65km/h at moderate to heavy rainfall ang mga lalawigan ng Isabela, Batanes at Cagayan.
Bagamat hindi inaasahang magla-landfall ang bagyo, patuloy na pinag-iingat ng DILG ang mga local government unit (LGU) sa ilang posibleng maging panganib na dulot ng malakas na hangin at ulan.
Una na ring pinaalalahanan ng DILG ang mga LGU na ipatupad ang Oplan Listo Protocols bilang paghahanda sa bagyo.
