Photo courtesy of Philippine Coconut Authority
Inendorso ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang panukalang pagpapalawak ng paggamit ng 5% coco-biodiesel Blend o B5 blend.
Ipinasa na ng kalihim sa Senado at Department of Energy (DOE) ang manifesto ng National Sectoral Committee on Coconut na nananawagan sa agarang pagpapatupad nito.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) at Philippine Coconut Authority (PCA), makatutulong ang B5 expansion upang mapalakas ang industriya ng niyog at mapataas ang kita ng milyun-milyong coconut farmers sa bansa.
Bukod dito, inaasahang makalilikha rin ito ng dagdag na trabaho, magpapalakas sa energy security, at magbabawas ng pagdepende ng bansa sa imported na langis.
Sinabi ni Tiu Laurel na ang B5 biodiesel program ay isang mahalagang pamumuhunan para sa kinabukasan ng mga magsasaka at ng coconut industry sa Pilipinas.