Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuloy-tuloy ang pamahalaan sa pamamagitan ng National Irrigation Administration (NIA) sa pagpapatupad ng mga proyektong irigasyon sa Bohol.
Ito ang siniguro ng Pangulo kasunod ng pagbubukas ng Mabini-Cayacay Small Reservoir Irrigation project sa nasabing lalawigan, na pakikinabangan ng higit 700 mga magsasaka.
Ilan sa mga nakalinya at ongoing irrigation projects ay ang Bonot-Bonot Irrigation project sa Buenavista na higit 84% na ang natapos at ang Hibale Irrigation Project sa Danao na nasa 44% nang naisagawa.
Nariyan din sabi ng Pangulo ang ongoing Malinao Dam Improvement Project sa Pilar at ang Catungawan irrigation project sa Guindulman gayundin ang Mandaug irrigation project sa Calape.
Nasa 2,400 sabi ng Presidente ang inaasahang matutulungang mga magsasaka ng nasabing mga proyektong patubig.